Kris: Magpakita ka ng kabutihan sa mahal ko, I’m yours!

SUPER touched ang puso ni Kris Aquino sa pagmamahal na ibinibigay ni Willie Revillame sa panganay na anak na si Joshua.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Social Media Queen ng video nina Willie at Josh nang muling magkita sa bahay nila kamakailan. Dinalaw kasi ng TV host ang bagets ilang araw matapos itong ma-confine sa ospital. Maraming nag-comment sa IG video ni Tetay at nagsabing naiyak sila matapos itong mapanood.

Narito ang caption ni Kris, “Sa gitna ng gulo po sa ating bansa- this is REAL. This is LOVE… Thank you to Willie Revillame for the effort to make our kuya josh feel genuine HAPPINESS. #ichooselove!”

Bukod dito, ipinost din ni Kris ang litrato ni Willie at Josh habang nakatayo sa tabi ng Ferrari na pag-aari ng Wowowin host.

Caption ni Kris, “My life may seem complicated- but i’m not… mahalin ang mga anak ko, paligayahin sila- super HAPPY na ko… ‘pag may kabutihang pinakita sa mga pinakamamahal ko- i’m yours. Binigyan ni tito willie si kuya josh ng oras at importansya.

“In my book- willie revillame is a man worthy of my true gratitude & respect. P.S. Malapit na po sa airport, flying to an endorsement shoot in Indonesia. Ako po nag edit nito- para masaya ang Tuesday. 5 hours po si willie sa bahay namin kahapon, 2:15 to 7:15 PM.

“Believe me, we’re just like you (except ako ang Ferrari sa commercial lang ng San Miguel 13 years ago natikman ma ‘drive’, si willie kanya talaga- winner, kaya swerte ni kuya josh- inikot sya ni tito willie sa isa sa dream cars nya)- nanuod po kami ng SONA, kumain, nag kwentuhan. #ichooselove (nag 2 block screenings ako last night- pag uwi ko yung mga CD ni willie nasa tabi pa rin nya. Yun ang simple at totoong happiness)!”

Read more...