Huwag kunsintihin ang drug mule

ANG babala ng bagong mayor ng Maynila na si Joseph “Erap” Estrada sa mga abusado at kotongerong pulis ay hindi empty threats.
Hindi nagbibiro si Mayor Erap nang kanyang sabihin sa mga abusadong pulis na nabibilang na ang kanilang mga araw.

Noong siya’y Vice President pa, naging chairman siya ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) at ilang pulis na pusakal na kriminal ang nadale ng PACC.

Ilan sa mga pulis na ito ang napatay ng mga tauhan ng PACC.

May mga dinalang mga retired Marines si Erap sa Manila City Hall upang siya’y tulungan na sugpuin ang malalang krimen sa lungsod.

Ang mga retiradong Marines ay pinangungunahan ng isang retired Marine general.

Sanay ang mga Marines sa bakbakan at hindi umaatras ang mga ito sa nakaambang na panganib.

Sa Davao City naman, nanginginig ang mga pusakal na kriminal sa lungsod dahil sa babala ni bagong hirang na Mayor Rody Duterte sa kanila.

Pinaaalis ni Duterte ang mga kriminal sa lungsod.

Kung hindi sila aalis ay may masamang mangyayari sa kanila.

“If you can’t or will not, you will not survive, you can leave either vertically or horizontally,” babala ni Duterte sa mga masasamang-loob.

Ang ibig sabihin ng “vertically” ay aalis sila Davao City ng nakatindig.

At ang “horizontally” naman ay aalis sila na nasa loob ng kabaong.

Siyempre, ang mga human rights advocates ay tiyak na nagagalit ngayon sa sinabing iyon ng kontrobersyal na mayor.

Alam nila na gaya ng dati, marami na namang mga bangkay ng pusakal na kriminal na ikakalat ng Davao Death Squad, isang grupo diumano ng mga vigilantes.

Pero natutuwa naman ang taumbayan sa Davao City dahil alam nila na ligtas sila sa mga masasamang-loob.

Ang Davao City ay isa sa mga lungsod na napakababa ng crime rate.

Hala, bira, Rody!

Hindi raw natuloy ang biyahe ni Vice President Jojo Binay sa China upang hingin sa pamunuan doon na ipagpaliban ang pagbitay sa isang Pinay na drug mule.

Ang drug mule ay isang biyahero o biyahera na nagdadala ng droga papasok sa isang bansa.

Bakit naman pag-aaksayahan natin ang isang drug mule?

Siya’y lumabag sa batas ng isang bansa at dapat lang na magdusa siya.

Kung ang Pinay na yan ay nagdala rin ng droga papasok sa ating bansa, hihingin kaya ni Binay na siya’y patawarin?

Sa paghingi na ipagpaliban ng China na bitayin ang nasabing Pinay, para na rin nating kinukunsinti ang kanyang ginawa.

Sa pakiusap natin sa China na babaan ang kanyang sentensiya o ipagpaliban ang pagbitay sa kanya, pamamarisan siya ng ilan nating mga kababayan.

Hindi pala masama ang magdala ng droga sa ibang bansa, iisipin ng ilan nating mga kababayan na walang utak.

Hayaan na nating bitayin ang naturang Pinay para huwag nang gayahin.

Vice President Jojo administered the oath of office to his daughter, Nancy, as senator.

Sus, naman! Bakit ang tatay pa ang nag-administer ng oath of office at hindi na lang pinaubaya sa iba?

Tiyak ang magiging katwiran ni Binay ay, “Dahil siya’y anak ko.”

Dapat pa niyang dagdagan, “Dahil kami ay political dynasty.”

Read more...