Alden sa fans: Hindi pa katapusan ng AlDub, may pelikula pa po kami!

YAYANIGIN ni Alden Richards ang primetime TV sa kanyang pagbabalik sa pinag-uusapang comeback series niyang Victor Magtanggol sa pagsisimula nito sa July 30.

Isa ang VM sa challenging roles na ginampanan ng Pambansang Bae sa GMA at talagang ipinagmalaki niya ito sa ginanap na grand mediacon kamakalawa at excited na raw siyang mapanood ng televiewers ang pilot week nito. Pati siya ay nagbigay ng ideas para sa lalong ikagaganda ng fantaserye.

“Nakakatuwa sa GMA ‘yung binigyan ako ng opportunity na magkaroon ng say. ‘Yung costume, doon ako nagkaroon ng malaking ambag. Kasi nakailang revisions kami ng costume, mga tatlo, bago namin narating ang final design.

“Nakakatuwa po na kahit minsan, umaabot na ako sa sarili ko na makulit na ba akong masyado? Pero nandiyan pa rin ang team namin na very understanding,” pahayag ni Alden nang makausap ng press after ng mediacon.

Pinagdiinan din ng Pambansang Bae na hindi kopya ang VM sa foreign movies tulad ng sinasabi ng iba bago pa man magsimula ito.

“Original concept po ito ng Pinoy at ang Norse mythology ay public domain. Anyone can create stories out of mythology,” rason binata.

Ayon pa kay Alden, kailangan niyang maging fit dahil nakunan na ang eksenang inilantad niya ang bagong porma ng katawan.

“Nagbunga naman po ‘yung months ng pagwu-work out ko. Ito pong Victor Magtanggol, marami po tayong ipakikita rito in terms of portraying a character. In terms of story, medyo kakaibang take din ito sa paggawa ng fantaserye,” saad pa ni Alden.

q q q

Kumusta naman ang mga girl niya sa VM na sina Janine Gutierrez, Andrea Torres at newcomer na si Reese Tuazon?

“Very minimal lang po ang part nila sa story,” aniya. “Medyo sanitized po (love angle) dahi nag-focus kami sa pamilya at doon sa journey ni Victor Magtanggol bilang tagapagtanggol ng sangkatauhan,” diin niya.

Ano naman ang gusto niyang iparating sa haters/bashers na hindi pa man umeere ang VM ay kinuyog na siya pati na ang ilang fans nila ni Maine Mendoza?

“Marami po talagang AlDub fans na nag-react when they learned I’m doing a soap na hindi si Maine ang kapartner. Eh, ito namang buhay natin bilang artista, trabaho lang lahat, wala namang personalan.

“Kumbaga, ginagawa ko po ito para sa personal growth ko and I’m sure, si Maine din po, may ginagawa for her personal growth. Linawin ko lang po. Wala pa pong nagtatapos ng AlDub.

Hindi pa po tapos ang AlDub. Nandyan pa rin yung loveteam namin ni Maine.

“Kasi marami ang nagsabi na ang Eat Bulaga at ang GMA, pinaghihiwalay kami. Kami po ni Maine, for as long as nagkakaintindihan kami sa ginagawa namin, okey kami! Para pag gumawa uli kami as partners, kakaiba uli ang makikita nila sa amin,” sabi ni Alden.

Para sa abangers na AlDub, tiniyak ni Alden na may gagawin silang movie ni Meng.

Wala pang ipinarating sa kanya kung makakasama siya sa cast ng festival movie nina Vic Sotto at Coco Martin sa gitna ng chikang ka-join sa pelikula ang Phenomenal Star.

Read more...