Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng San Pablo ang pagkamatay ni Aquino, 68.
Sinabi ni City information officer Leo Abril na nakikiramay ang pamahalaang lungsod sa naulila ni Aquino.
Nakatakdang magsagawa ng necrological service ang pamahalaang lungsod sa dating opisyal.
Nasa Batasang Pambansa si Aquino noon Lunes bilang dating mambabatas para sa ikatlong SONA ni Duterte, ayon sa malapit na kamag-anak ni Aquino.
Idinagdag ng source na nasa loob na ng session hall ang dating mambabataa nang ganap na alas-3 ng hapon ay nagpaalam siya sa kanyang mga kasamahan dahil sa pagsama ng kanyang pakiramdam.
Hinimatay si Aquino sa restroom at dinala sa Philippine Heart Center kung saan siya nasawi.
Sinabi ng kamag-anak nj Aquino na “heart failure” ang kanyang ikinamatay.
Naging kongresista si Aquino na may tatlong termino mula 1988 at naging mayor noong 2001 hanggang 2004.