Lugmok sa hirap

Sulat mula kay Arsenia, ng Barangay Nabago,
 Valencia City.
Dear Sir Greenfield,
Ang sabi ng mga magulang ko, hindi na raw ako makapagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dahil lugmok na kami sa kahirapan.  Ang sabi nila, tumulong na lang daw ako sa bukid. First year college na sana ako at pangarap kong kumuha ng kursong Pharmacy. Itatanong ko lang kung makapagpapatuloy pa kaya ako ng pag-aaral. Gusto kong magtapos sa kolehiyo para maiahon sa kahirapan ang aking pamilya. Matutupad kaya ang munting pangarap kong ito?
Umaasa,
Arsenia, ng Barangay Nabago, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at mahabang Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi ka mawawalan ng career o aturgahin sa buhay, kaya kahit na di ka muna makapag-aral dahil di na kaya ng mga magulang mo, sa sarili mong diskarte at paraan ay mapag-aaral mo ang iyong sarili.
Cartomancy:
Five of Diamonds, Two of Hearts at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang maganda at maputing babae ang tutulong sa iyo para makapagtrabaho sa computer café. Sa nasabing trabaho magsisimula ang maganda mong career, hanggang sa ikaw ay maging successful na working student. Itutuloy

Read more...