BIGO ang mga umaasang makita si Lipa Rep. Vilma Santos-Recto na rumampa sa 3rd State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte kahapon sa Congress.
Nagpadala ng mensahe si Cong. Vilma kay Jojo Lim, Presidente ng VSSI, para sa kanyang mga fans at pinost nga ito ni Jojo sa kanyang Facebook account.
“HELLO VSSI VILMANIANS Nagkausap kami ni Cong. Vi sa telepono and hindi siya maka –attend ng SONA today dahil may fever siya and ubo’t sipon, hindi niya talaga kaya pumunta sa sona, naka ready na ang gown niya na gawa ni rene salud and si dheng foz her make up artist.
“Galing sila family sa Singapore and mainit daw ang panahon, pagdating dito eh inubo’t sipon sya and ngayon may fever. Nag-text din si Cong. Vi: Good morning Jo!
“Pls pakisabi sa Vilmanians na I’m sick now ubo’t sipon and may fever kaya hindi ako maka-attend ng sona, naka-ready na isusuot ko…kay reene salud at si dheng foz but unfortunately I’m sick bec of the weather here & Singapore.”
“It’s my duty as a representative but the most important is the message and report of the President!!! That is the purpose of SONA!!!
“Rest muna ako so that I can work in congress the rest of the week. I will see you all my vilmanians next week. I love you all!!!”
Get well soon, Congresswoman/Ate Vi!