Glaiza wagi sa Gawad Filipino Music 2018

ISA na namang parangal ang tinanggap ng Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro.

Siya ang tumanggap ng Media People Choice Award bilang Most Outstanding Female Pop Artist of the Year sa katatapos lang na Gawad Filipino Music and Youth Special Awards 2018.

Hindi naka-attend si Glaiza sa awarding ceremony dahil sa taping ng kanyang pinagbibidahang high-rating GMA Afternoon Prime series na Contessa.

Idinaan ng aktres ang kanyang pasasalamat sa Instagram, “Salamat sa pangatlong pagkakataon, Gawad Pilipino. Hindi man ako nakadalo kagabi, hindi mawawala sa isip ko kung paano niyo ipinapaalala sa ‘kin na magtiwala sa sarili.

“Sa mga pagkakataong pakiramdam ko, hindi ko kaya, mapapalingon ako dito at maaalala na may mga taong nagtitiwala at nagpapahalaga. Mabuhay kayo!” sabi pa aktres.

Samantala, patuloy pa rin ang paghataw sa ratings game ng afternoon series ni Glaiza na Contessa kasama sina Gabby Eigenmann, Lauren Young, Geoff Eigenmann at Jak Roberto.

At dahil nga sa mga good news na ito kaya mas lalo pang ganadong magtrabaho ngayon ang aktres. Napapanood pa rin ang Contessa after Eat Bulaga.

Read more...