TULAD ng inaasahan, agaw-eksena na naman ang pagiging fashionista ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa opening ng third session ng 17th Congress.
Bago pa man maganap ang 2018 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nag-ingay na ang ilang celebrities dahil sa kanilang mga bonggang kasuotan.
Standout ang asawa ni Sen. Chiz Escudero sa kanyang white terno na gawa ng kanyang kaibigang designer na si Mark Bumgarner. As usual, puro papuri ang natanggap ni Heart mula sa mga netizens after she posted her picture sa kanyang Instagram account.
Isa pa sa pinuri ng mga netizens ay ang misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee. Sosyal na sosyal ang aura ni Jinkee sa suot niyang Michael Leyva modern Filipiniana terno. Talaga raw hindi nagpatalbog ang misis ni Pambansang Kamao sa mga asawa ng iba pang senador.
True kaya ang chika na ang suot niyang Gabriela Hearst “Demi” leather tote ay nagkakahalaga ng $1,795 o mahigit P95,000?
In fairness, marami rin ang nagsabi na bumata at mas gwapo raw si Pacman sa suot niyang traditional Barong Tagalog “with a millennial twist” na ginawa ni Francis Libiran.
May mga shades of white rin ang outfit nina Sen. Grace Poe at Sen. Loren Legarda, pati ang ang veteran actress at misis ni Sen. Tito Sotto na si Helen Gamboa ay off-white din ang shade ng suot na Filipiniana dress.