Plastikada: Bait-baitang aktres sa serye kabaligtaran ang ugali sa tunay na buhay

SA kagandahang ‘yun ng isang female personality ay ayaw tumigil ng mga hindi kagandahang kuwento tungkol sa kanya. Kapag napapanood siya sa isang sikat na serye ng aming mga impormante ay kabaligtaran ang nakikita nila sa papel na ginagampanan ng magandang aktres.

Mabait kasi ang role niya sa serye, malambot ang puso at maunawain, ayon sa mga nanonood na nakakakilala sa kanya nang wagas ay hindi siya ‘yun sa likod ng mga camera.

“Sorry na lang, pero hindi siya ‘yun sa tunay na buhay. Mabait siya sa role na ginagampanan niya, pero in real life, maldita siya! Malambot ang puso niya sa palabas, pero sa totoong buhay, e, may katigasan ang kalooban niya.

“Maunawain? Sorry, ha, ilang friends namin ang nag-work sa kanya, pero ang pinakamahaba nang nag-stay sa kanya, e, six months lang. Ang iba, sa third month pa lang, nagsipag-resign na!

“Hindi nila natagalan ang kamalditahan ng girl, parang wala raw silang nagagawang tama, palagi silang inaangasan at pinagsusupladahan.

“Kabaligtaran siya ng role na napapanood natin, hindi siya ‘yun, puro kabaligtaran,” simulang chika ng aming impormante.

Ang ganda-ganda pa naman ng not so young nang actress, nagkaroon sila nu’n ng hindi kagandahang engkuwentro ng isang sosyaling aktres, ‘yun din ang talak sa kanya ng female personality.

“Nu’ng kasagsagan ng away nila, e, lihim na kakampi ng mga staff niya ang kalaban niya.

Totoo naman kasi ang sinasabi nu’ng isa, skin deep lang ang kagandahan niya, pero ang totoo, e, maldita siya! Kilalang-kilala kasi siya ng babaeng ‘yun, napakatagal nilang nagkasama sa isang variety show bilang hosts.

“Kahit ang mga friends naming nag-work sa kanya, e, ganu’n din ang sinasabi, pakitang-tao lang ang kabaitang ipinakikita ng magandang girl.

“Kayo, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ano ang mas gusto n’yo? Bukang-liwayway o palubog na ang araw? Inglisin n’yo lang ang sagot n’yo, ha?” pagtatapos na chika ng aming source.

Read more...