Magpapa-block screening sana si Vice para sa comeback movie ni Kris pero dahil wala ng available na sinehan bumili na lang ang TV host-comedian ng sandamakmak na tiket at ipinamigay sa mga kaibigang gustong manood ng movie.
Naging emosyonal ang Queen of Internet World & Social Media nang makita uli si Vice at hindi nga napigilan ang maiyak nang mahigpit siya nitong niyakap pati na rin si Bimby.
Sa kanyang Facebook live, ipinakita ang emotional reunion nila ni Vice at dito nga sinabi ni Kris gusto talang sumama ni Bimby sa kanya dahil super miss na miss na rin niya si Vice. Paulit-uli ding nag-thank you si Tetay sa Showtime host dahil love na love pa rin nito ang kanyang mga anak.
Maririnig sa video na tinanong ni Vice si Kris kung bakit ito umiiyak, tugon nito, “E, siyempre, happy ‘to, e,” sabay turo kay Bimby.
Tinanong din ng bagets ang kanyang mommy ng, “Are you happy?” Na sinagot naman niya ng, “Super happy because you are happy. Basta happy siya, happy na lahat.”
Nag-post din si Kris ng maikling video sa Instagram kung saan mapapanood ang pagkikita nilang muli ni Vice na may caption na: “My bunso never wavered in his love for his tito Vice, maybe ngayon maiintindihan n’yo na kung bakit nanahimik kaming nakatatanda kahit pilit gustong intrigahin. Because #satruelang we both prioritized this very loving and lovable boy.”
Aniya pa, “My heart overflows w/ happiness because my 2 sons are now happy. Tigilan na po natin ang paghusga- yakapin natin ang kayang gawin ng mga adults para mapaligaya ang mga naipit na bata… #ichooselove #family.”
Kasama rin ni Vice na nanood ng “I Love You, Hater” ang kanyang inang si Nanay Rosario pati na rin ang co-stars ni Kris sa movie na sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Showing pa rin ang “ILYH” sa mga sinehan at balitang patuloy pa rin itong pinipilahan.