Hashtag Jon Lucas umaming tatay na: Kasal na rin ako!

INAMIN ng young actor na si Jon Lucas na may baby na nga siya at kasal na.

Si Jon ay Hashtag member na kasama sa movie na “Dito Lang Ako” na pinagbibidahan nina Ms. Boots Anson Roa, Michelle Vito, Akihiro Blanco, directed by Roderick Lindayag.

Eight months na ang baby boy ni Jon na si Brycen Christian. After the presscon ng movie, he proudly posted on his Instagram account a photo of him and his baby, “I am proud of many things in Life, but nothing beats being a FATHER. I LOVE YOU, Baby!”

That was his caption sa kanyang photo. When we interviewed Jon sa presscon ng “Dito Lang Ako” ay sinabi niyang hindi siya nagulat na kumalat ang chismis na nakabuntis siya.

Mas nagulat pa siya kasi late na ang chika about him. Lumabas na kasi ang baby niya noong November at nagpakasal na siya sa ina nito.

Inamin ni Jon na siya na mismo ang nag-request sa Showtime na magpahinga muna dahil may baby na siya. Isa pa, magulo pa ang isip niya noon dahil pumanaw ang kayang ina.

Read more...