AlDub Nation sanib-pwersa para sa ‘reunion’ nina Alden at Maine

MAAGA pa lang kahapon ay umabot na agad sa 765,000 tweets and retweets ang hashtag na #ALDUBWithBroawayBoys.

Hindi pa umeere ang Eat Bulaga yesterday ay trending topic na ito dahil nga sina Alden Richards at Maine Mendoza ang tampok sa EB Concert Series.

Walang pakialam ang AlDub Nation sa habagat dahil maaga pa lang ay sumugod na sila sa Broadway Centrum para makapasok sa studio ng longest noontime show sa Asia. Talagang hindi nila palalampasin ang muling pagsasama ng magka-loveteam sa isang stage.

Nagpasalamat din ang milyun-milyong fans nina Alden at Maine dahil muling dininig ang kanilang panalangin na makitang muli ang AlDub loveteam na magkasama sa isang production number.

Habang sinusulat namin ang artikulong ito ay patuloy na lumalaban sa top spot ng trending topic kahapon sa Twitter ang #ALDUBWithBroawayBoys, kaya naman hindi imposibleng makamit muli ng ADN ang target nilang more than 1 million tweets.

Read more...