Direk Joyce Bernal libre ang talent fee bilang direktor ng SONA ni Digong

JOYCE BERNAL AT RODRIGO DUTERTE

NAGBIGAY-PUGAY si Robin Padilla sa kanyang kaibigang si Bb. Joyce Bernal nang ideklara nitong hindi siya nagpabayad bilang director sa 3rd State of the Nation Address ni President Rodrigo Duterte sa Lunes.

Si Binoe ang nagrekomenda kay Communications Undesecretary Martin Andanar na si Joyce ang kuning direktor ng SONA at inaprubahan naman ito ni P-Digong. Kaya naman ngayon, super proud si Robin kay Bb. Joyce.

Saad ni Binoe sa kanyang Instagram, “Kapag sa InangBayan hindi ka dapat BINABAYARAN!!!

“Malalim na pagpupugay sa iyo Bb. Joyce Bernal isa kang halimbawa at ilaw sa lahat ng aming taga industriya at rebolusyon. Mabuhay ka ang iyong panata!” papuri pa ni Robin kay Joyce.

Read more...