MayWard muling magpapakilig sa Wansapanataym ng ABS-CBN

MULING mapapanood sa telebisyon ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber sa paghatid nila ng aral at pati na rin kilabot sa Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko, na mapapanood simula ngayong gabi.

Kilalanin si Espie (Maymay), isang dalagang nagpapanggap na manghuhula at espiritista upang maitaguyod ang pamilya.

Isang pangyayari ang babago sa buhay niya sa hindi sinasadyang pagbukas ng kanyang third eye, dahilan naman para muling makita ang kanyang namayapang amang si Pidiong (Jojit Lorenzo).

Ngunit ito rin ang dahilan sa pagkukrus muli ng landas nila ni Vincent (Edward), ang lalaking kanyang minahal ngunit lubos siyang sinaktan, nang hindi inaasahang makita niya ang kaluluwa nito. Sa pagkikita nilang muli, hihingin ng multong binata ang tulong ni Espie na makausap ang kanyang ina upang ilahad ang katotohanan sa kanyang pagkamatay.

Ito naman ang mag-uudyok kay Espie na bigyan ng katarungan ang pagkawala ni Vincent at gamitin sa tama ang kanyang kakaibang kakayahan.

Matulungan nga kaya ni Espie si Vincent? Uusbong nga kaya ang pagmamahalan sa dalawa ngayong pinaghihiwalay sila ng buhay at kamatayan?

Kasama rin sa cast Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko sina Patrick Quiroz, Luis Hontiveros, Yayo Aguila, Neil Coleta, Wilma Doesnt, Clarence Delgado, Jojit Lorenzo, at Darwin “Hap Rice” Tolentino.

Read more...