SUKO na agad si Glaiza de Castro sa labanan for Best Actress category sa Cinemalaya Film Festival this year. Bida ang Kapuso actress sa official entry na “Liway” directed by Kit Oebanda.
Una, pumasok din sa Cinemalaya ang pelikula ni Iza Calzado, ang “Distance” sa direksyon ni Perci Intalan. Paborting aktres daw kasi ni Glaiza si Iza.
“Nu’ng nakita ko ‘yung mga official entries, ‘Ay, tapos na. ‘Yun na ‘yon,” sabay tawa ni Glaiza.
Masaya na raw siya na nakapasok sa Cinemalaya ang “Liway” at natuloy siya na mapasama sa pelikula. Nawalan na raw siya ng kumpiyansa nu’ng inakala niyang hindi na kakayanin ng schedule niya ang shooting days ng “Liway.”
“Parang hindi na ako napayagan ng management dahil gusto nila mag-focus ako sa serye.
“Tapos nu’ng sinabi na parang hindi na nga raw keri ng schedule ko, nalungkot talaga ako kasi nabasa ko rin ‘yung synopsis. Nabasa ko ‘yung script. Gusto ko talaga siya. Tapos nu’ng mga ilang araw, siguro ipinaglaban kaya umokey na,” ngiti niya.
It’s another learning experience daw sa kanya ang paggawa niya ng “Liway.” “Kasi ano, e, alam ko na sa bawat hirap na mararanasan ko, alam ko may satisfaction in the end. I mean, hindi lang, ah, about the awards. Syempre, masaya kung meron ‘di ba?” ani Glaiza.
Dapat daw unahin panoorin ng mga tao ang “Liway” sa Cinemalaya dahil very positive ng film, “Kahit na set siya during the Martial Law may hope naman during that time, and I think, ‘yung kwento ni Liway ay isa sa mga inspiring stories of sacrifice, of perseverance, of love. Instead of focusing on the political aspect of the film. Kasi ang dami ring entry tungkol sa ganu’ng topic, e.”