'Miss Granny' ni Sarah G. umabot sa P40M ang budget | Bandera

‘Miss Granny’ ni Sarah G. umabot sa P40M ang budget

Reggee Bonoan |July 21,2018
facebook
share this

‘Miss Granny’ ni Sarah G. umabot sa P40M ang budget

Reggee Bonoan - July 21, 2018 - 12:01 AM

ISA pang inaabangan ng mga manonood, lalo na ang mga Popsters ang ay “Miss Granny” ni Sarah Geronimo.

Maganda kasi ang trailer nito at sinasabi ng mga nakapanood na maganda ang kuwento nito na hango sa isang Korean movie.

Bulong din ng aming source, malaki rin ang nagastos ng Viva Films sa pelikulang ito na idinirek ni Binibining Joyce Bernal, na kung tama ang tantiya ng kausap namin ay aabot daw sa P40 million.

Sadyang magastos daw ang pelikula ayon mismo kay direk Joyce, “Kasi umabot ako sa 36 shooting days, tapos musical pa, so bawa’t kanta iba’t ibang location ‘yun kaya mahal.”

Dagdag pa ng lady director, “Sadyang nilakihan talaga ang budget ng pelikula.”

Grabe ang budget ng mga local films ngayon kaya sana lahat kumita para makabawi ang mga producer at makagawa ulit para maraming tao ang may trabaho.

Dagdag pa ng aming source, “Saka mahal ang talent fee ng mga artista,” na ang tinutukoy ay sina Sarah at James Reid. Kasama rin dito si Xian Lim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending