Perhaps not a single millennial remembers who Amalia Fuentes is, but for sure, their parents and grandparents still do.
To the “now” generation, si Ms. Amalia—pet named Nena—ay dating movie queen alongside Ms. Susan Roces. A former Sampaguita star, naging producer din siya.
While on vacation in South Korea sometime in October, 2015, sa kasamaang palad ay doon siya na-(ischemic) stroke. Eight months later, ang nag-iisa niyang anak by Romeo Vasquez (na pumanaw noong 2017) na si Liezl Martinez ang bumigay sa sakit na cancer.
But here’s the good news para sa mga kaibigan, even the long-lost, ni Ms. Fuentes.
Bumubuti na raw ang kanyang kalagayan, says our source.
Since she had a stroke, ang nag-aasikaso sa kanya ay ang kanyang apong si Alfonso, panganay sa tatlong anak nina Albert at Liezl Martinez. “He’s practically running the household,” ayon sa aming tipster of the retired actress’ residence in NewManila, Q.C..
Bagama’t malaking tulong ang regular therapy kay Ms. Fuentes, her will to keep going is what improves her condition.
“Dati-rati, sinusubuan pa siya. Pero ngayon, mag-isa na siyang kumakain. Kapag kakain naman sila sa labas, although she’s wheelchair-bound, she insists na kumain siya on her own. Naigagalaw na rin niya ‘yung kanang bahagi ng kanyang katawan. Although slow, but those are remarkable signs of recovery,” sabi pa ng aming source.
Pero kung meron man daw dapat pagkalooban ng kredito, this should rightfully go to Alfonso na isang responsable, matiyaga at maasikasong tagapag-alaga ng kanyang maysakit na lola, this despite the reported friction between her and her son-in-law (Albert).
“Kung ‘di ba naman, nasa treinta na si Alfonso yet hindi pa siya nag-aasawa. Nakatutok siya sa lola niya. Eh, kasi rin naman, alam ng mga bata kung gaano sila minahal ng lola nila,” kuwento pa ng aming source.
Payback time, ‘yun lang ‘yon.
q q q
PERSONAL: Exactly two years ago nang unang nalathala ang aming kolum dito, ipinakiusap ‘yon sa mismong publisher ng Inquirer.net (kapatid ng BANDERA) na si Tito Abel Ulanday na kung maaari’y bigyan kami ng espasyo. Si Tito Abel ang asawa sa ise-segue naming pagbati ng maligayang kaarawan, si Tita Lolita “Nene” Ulanday, today (July 21).
Tita Nene, gone are the airwaves which used to connect us but it’s enough that we know that our hearts remain connected to each other.
Mas marami pong biyaya, maayos na kalusugan at kaligayahan from within ang wish ko po sa inyo.