May ipinarating sa aming mensahe ang isang malapit na kaibigan (at kaanak) ni Kim Chiu hinggil sa pambabatikos sa dalaga dahil sa pag-alis nito patungong Thailand hanag nakaburol ang ina. Mas inuna pa raw kasi ni Kim ang trabaho kesa manatili sa lamay.
“Medyo unfair yung mga komento at pagtuligsa sa kanya. Ang pagkakamali kasi ng panig nina Kim ay ayaw nilang magpa-interview kaya hindi maipaliwanag ang side nila. Anyway, kaya nga kami na ang magsasalita for her dahil depress din naman yung tao at nahihirapan.
“Matagal na pong commitment yung Thailand shoot na yun at grabe naman ang magiging balik na gastos nito sa team nina Kim kung hindi yun gagawin on said date. With heavy heart, sinikap ni Kim na maging professional.
But then again, nakiusap din siya sa organizers at ibang mga kasama sa team na kailangan niyang makabalik sa Cebu at makahabol sa libing ng ina, na siya nga niyang ginawa.
“Siguro naman ay sapat na yun para maunawaan ng mga bumabatikos at naghahanap ng sensationalism sa kuwento na may malalim na pinag-uugatan ang lahat,” sabi pa ng aming kausap.