Dear Ateng Beth,
I need your help. I am planning to leave my wife not for another woman or for any other reason, except that I don’t find myself growing old with her.
For the past 11 years, puro negatibo na lang ang naririnig ko sa kanya. Wala na akong ginawang mabuti para maging masaya siya. She always compares herself with her friends who travel a lot, who live comfortably.
Ginagawa ko naman ang lahat to make her happy and live a comfortable life. But i can only do so much.
Napapagod na ako, parang everything I do for her is not enough. Hindi ako mayaman, pero nagsisikap ako na kahit paano ay maging maayos ang buhay namin.
We don’t have kids kaya sabi ko it would be easy for us to live separate lives. I told her everything pero she just gave me a cold stare, na parang sinasabi na bahala ako.
Anong gagawin ko Ateng Beth?
– Lino of New Era, Quezon City
Haaay Lino, ang hirap huminga sa sitwasyon mo. ’Yung ginawa mo na ang lahat, binigay mo na ang lahat, pero kulang pa rin.
Nag-usap na ba kayo kung ano talaga ang gusto niyang mangyari? Kasi, hindi naman pwedeng sa bawat pagta-travel ng ating friends, travel din tayo; na sa bawat selfie at foodie na nakikita natin sa social media ay gagawin din natin.
Naisip ko lang, bakit di naman kayo mag-retreat? Magkawanggawa kaya para makita ninyo kung gaano kayo pinagpala sa buhay? Magpa-counsel sa marriage counselor para malinawan ang mga issues ninyo sa buhay?
Mahirap na feeling yung ginagawa mo na lahat para makapagpasaya at the expense ng kawalan mo ng paglago at kaligayahan.
Pero we just can not give up sa marriage natin easily. Di ba nga for better or worst? To back out is also to destroy half of who you are.
Kaya I suggest you sit down and discuss your baggages and life issues with a trained counselor or spiritual coach.
Or pwede mo namang i-travel si misis sa Timbuktu at iiwan doon o hayaan kainin ng pating sa gitna ng dagat, tutal dedma lang sya sa sinasabi mo. Joke lang!
I hope things will get better soon, Lino!
May tanong ka ba tungkol sa iyong pakikipagrelasyon, problema sa mga anak o magulang, pag-aaral o pinansiyal? Maaaring sumulat inquirerbandera2016@gmail.com o mag-text sa 09989558253.