Kyline tinanggap ang hamon bilang singer

KYLINE ALCANTARA

Sinimulan na ng Kambal, Karibal actress na si Kyline Alcantara ang recording para sa kanyang unang album under GMA Records. Limang kanta ang nakapaloob dito kabilang na ang “Bukas Na Lang.”

Sa totoo lang, phenomenal ang pag-angat ng career ni Kyline mula nang lumipat siya sa GMA. Bukod sa bida ng seryeng KK na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, isa rin siya sa atraksyon ng show dahil sa pagiging magaling niyang kontrabida.

Sa totoo lang, milyon ang followers sa social media ng Kapuso kontrabida kahit baguhan siyang maituturing sa showbiz. Kaya naman kahit anong kantang i-upload niya sa socmed ay humahamig ng milyong views.

Read more...