JENNYLYN ayaw pang pabuntis kay LUIS: May tamang panahon!

By Ervin Santiago July 02,2013
share this

JENNYLYN ayaw pang pabuntis kay LUIS: May tamang panahon!

By Ervin Santiago July 02,2013
share this

GUSTO na raw makita ni Gov. Vilma Santos ang magiging apo niya kina Luis Manzano at Jennylyn Mercado, ibig sabihin nito, “minamadali” na ng Star for All Seasons ang pagpapakasal ng dalawa.

Pero mukhang hindi pa alam ni Jennylyn kung handa na ba siyang maging Mrs. Luis Manzano, at kung ready na uli siyang mabuntis at magka-baby. Sa isang interview, sinabi ng Kapuso actress na hindi naman daw sila nagmamadali ni Luis.

“Kasi naniniwala ako na may tamang panahon ang lahat ng bagay sa mundo, wala naman po kaming specific time or date kung kailan talaga. I believe na darating din ang takdang oras para diyan.

“Basta alam mo sa sarili mo na nararamdaman mong handa ka na, iyon na ‘yon, di ba? Hindi ka na makakatanggi pa,” chika pa ni Jennylyn na abot-langit ang pasasalamat kay Ate Vi dahil pumayag itong umapir sa production number nila noong Linggo sa Sunday All Stars ng GMA.

Hindi pa rin naman daw nagpaparamdam sa kanya si Luis na gusto na nitong mag-settle down, at ayaw din naman niyang mag-expect, “Ay, oo, hindi tama ang mag-expect, baka ano…” pabiting sabi pa ng aktres sabay tawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending