Edgar Allan ayaw na munang magkadyowa

EDGAR ALLAN GUZMAN

Single ngayon ang award-winning actor na si Edgar Allan Guzman. Pero kahit walang lovelife, humahataw naman ngayon ang kanyang career.

“Nagpapasalamat po talaga ako dahil sunod-sunod ang blessings. I just won a number of awards for ‘Deadma Walking’. Tapos, kasali rin po ako sa The Stepdaughters sa GMA, then ito nga pong new movie na ‘Pinay Beauty’. I really cannot complain,” sabi ni EA na ayaw munang magkadyowa para makapag-focus sa career.

Sa “Pinay Beauty” gagampanan niya ang role bilang boyfriend ng magaling na indie actress na si Chai Fonacier, “Sa story, we’ve known each other for a long time at na-in love ako sa kanya. Para sa akin, ang ganda-ganda na niya.

“But for herself, hindi pa siya kontento. kung anu-ano ginagawa niya para gumanda siya, pumuti siya.

“Martir boyfriend ako rito kasi handa akong suportahan siya sa hangarin niyang magpaganda. Dahil dito, nabaon yung character ko sa utang at nanganib ang buhay ko,” ani EA.

This is directed by Jay Abello mula sa Quantum Films, MJM Productions at Epic Media at mapapanood mula Aug. 15 to 21 bilang entry sa 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino.

Read more...