Sofia Andres balik-Bagani, kontrabida na

SOFIA ANDRES

Makalipas ang tatlong buwan, muling mapapanood si Sofia Andres sa primetime serye ng ABS-CBN na Bagani.

Sa nakaraang episode nito, ipinakitang buhay na ulit si Mayari (Sofia) pero hindi na bilang kakampi ng mga bagani kundi magiging mortal na nilang kaaway matapos buhayin ni Malaya (Kristine Hermosa), ang ina ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Samantala, matuloy pa kaya ang minimithing kasalan nina Lakas (Enrique Gil) at Ganda (Liza Soberano)?

Ito kasi ang pinakaaabangan ng mga taga-Sansinukob dahil inakalang wala nang kaaway ang mga Bagani dahil napatay na nila si Sarimaw at si Hukluban. Hindi nila naisip na kaaway na rin nila si Malaya.

Nanay ni Sarimaw si Malaya kaya natural na magalit at maghiganti ang ina at dahil mahinang-mahina na ang anak kaya hinayaan na siyang magpahinga. Ito ang dahilan kaya binuhay niya si Mayari para gamitin laban sa mga Bagani.

Ang isa pang inaabangan ay ang nakatagong lakas ni Ganda na ayon kay Malaya, kapag nagalit nang husto ang dalaga ay lalabas ang malakas na puwersa nito na siya mismo ang naglagay at magagamit niya ito laban sa mga Bagani.

Anyway, natawa naman kami sa ipinost ng isang netizen tungkol sa nakatatak na character sa noo ni Kidlat (Rayver Cruz). Marami ang nakapansin na kapareho raw ito sa logo ng isang soya drink. In fairness, bumenta ito sa mga netizens kaya mabilis kumalat ang photo ni Rayver at ng nasabing brand ng soya drink.

Read more...