PARANG isang teleserye na inaabangan ngayon ng madlang pipol ang kuwento at mga hugot ni Kris Aquino sa gitna ng mga kontrobersyang kinasasangkutan niya ngayon habang ipinalalabas ang comeback movie niyang “I Love You, Hater”.
Sunud-sunod ang mga ipino-post na mensahe ng Social Media Queen sa kanyang Instagram account kung saan mababasa ang napakaraming pasabog tungkol sa kanyang career at personal na buhay.
Sa isang IG post ni Kris, inamin niyang hindi siya pinagbigyan ng ABS-CBN na magkaroon ng live interview sa Tonight With Boy Abunda. Kasabay nito, sinabi rin niya na isa sa mga rason kung bakit ginawa niya ang “ILYH” with Joshua Garcia and Julia Barretto dahil nais niyang magkaroon ng access sa archive footage ng kanyang yumaong inang si Cory Aquino kung saan kasama nito ang mga anak na sina Bimby at Joshua.
Narito ang bahagi ng IG post ni Kris: “TRUTH: Ginawa ko ang ‘I Love You Hater’ dahil ito lang yung paraan, at naging bahagi ng kontrata ko, para mabigyan ako ng ‘right of usage’ sa video archives ng ABSCBN para sa footage na kasama ko, ni kuya Josh, at ni Bimb ang MOM ko, LOLA CORY nila. yun lang po ang hinangad ko-na maging amin din ng mga anak ko yung MEMORIES na yun.
“Ang mga bumubuo ng @starcinema lamang ang nagparamdam sa kin na TAO pa rin ang tingin nila sa kin. Kaya nga po paulit ulit kong sinabi sa mga fans & followers- para sa kanila at sa #JoshLia sa akin na ang pagsisisi kung hindi man maging box office hit… Pero pinanindigan at pinalalaban nyo ko.
“Kusa kayong gumagastos at nag-o-organize (block screening). Kaya PROMISE para sa inyo-maninindigan ako na walang kailangan apakan… Magiging tapat at totoo…Gagawin ang lahat para matumbasan ang kabutihan, suporta, at pagmamahal na binigay dahil naramdaman nyong kinailangan ko kayo…Tatanaw ng UTANG NA LOOB ang isang hindi perpekto, pero totoong Kris Aquino.”
Samantala, may isa pang ipinost na mensahe si Kris para naman sa kanyang mga loyal fans kung saan ikinuwento niya ang “pagpaparamdam” ng kanyang amang si Ninoy Aquino para palakasin ang kanyang loob at patulong lang na lumaban.
“Minsan ko lang pong ibinukas ang puso ko sa inyo ng ganito- hindi ko ugali ang mag feeling victim pero nagsalita na dahil gusto ko nang MAPALAYA ng KATOTOHANAN. Hindi po ako si PANGULONG DUTERTE na pwede silang hamunin at murahin ng walang takot. Wala pa akong kapangyarihan, nag iisa ako. Natanggap ko po na inayawan ako nung dati kong home network. Ganun talaga, pana panahon ang lahat.”