Rocco sa pang-ookray kay Jolo: Humihingi po ako ng tawad!

NAG-APOLOGIZE man sa kanyang hindi-kagandahang comment sa kumalat na blooper ni Jolo Revilla recently ay na-bash pa rin si Rocco Nacino.

“Mali na magcomment ng ganoon, pasensya na at ako’y humihingi ng tawad sa mga nagalit. It just reall made my day! At the end of the day, tao nga lang talaga tayo lahat nagkakamali,” pagso-sorry ni Rocco sa Twitter.

Marami kasi ang pumuna sa kanyang “Bola muna bago droga…sarap sampalin” statement. With that, ang daming kumampi kay Jolo.

“Nagkamali na nga yung tao and kinorect naman niya agad sarili niya. Diba mataas pinag aralan niyang si Rocco. Kung makasabi naman ng ‘sarap sampalin’. Oh well, it only goes to show that your educational attainment does not define who you are. Taas nga ng pinag aralan mo, asal kanto ka naman.”

“Winner comment. hindi ako fan ni Jolo pero binago naman niya yung sinabi niya. So mas okay yun.”

Kahit nag-sorry na ay batikos pa rin ang inabot ng Kapuso starlet.

“Gusto kita as an actor, pero sana sinarili mo nalang ung tawa mo. di yung parang ang yabang ng datingan ng pagpuna mo!”

“Mayabang ka kasi. Na-realize naman agad ni Jolo yung mistake niya in split second? Ikaw? Ilang oras bago mo na-realize na offensive yung post mo?”

Ayan ang napala mo, Rocco. May kayabangan ka kasi. Si Jolo, agad-agad nag-sorry sa kanyang blooper. ‘Yan ang kaibahan ninyo!!!

Read more...