Kim Woo Bin patuloy pa ring lumalaban sa cancer

NAGDIWANG kamakailan ng kanyang ika-30 kaarawan ang aktor na si Kim Woo Bin, na patuloy pa ring lumalaban sa sakit na cancer.

Nagbigay ng mensahe ang kanyang agency na SidusHQ sa mga fans ni Woo Bin tungkol sa pagbabalik ng aktor sa pag-arte.

“Even if the treatments for the cancer are complete, it takes a long time for the full recovery. It’s hard to say the status right now. There are no concrete plans for his return yet,” sabi ng SiduesHQ.

Na-diagnose si Woo Bin ng nasopharyngeal cancer noong Mayo, 2017, dahilan para itigil niya ang lahat ng kanyang aktibidad para magpagamot. “His health has improved enough for him to start exercising,” dagdag pa ng agency matapos ang unang round ng kanyang chemotherapy.

Bukod sa seryeng The Heirs, napanood din si Woo Bin sa mga seryeng School 2013 (2012-2013), Friend: The Great Legacy (2013), The Con Artists (2014), Twenty (2015) at Uncontrollably Fond (2016).

Read more...