Paghina ng tubig wag isisi sa ManilaWater | Bandera

Paghina ng tubig wag isisi sa ManilaWater

Leifbilly Begas |July 18,2018
facebook
share this

Paghina ng tubig wag isisi sa ManilaWater

Leifbilly Begas - July 18, 2018 - 12:10 AM

MAY napansin ba kayo sa huling survey ng PulseAsia para sa senatorial elections?

Puro babae ang top four sa pagkasenador.

Una si Sen. Grace Poe, sumunod si dating senador na ngayon ay Taguig City Rep. Pia Cayetano, tapos si Sen. Cynthia Villar at pang-apat si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte. Si Sen. Nancy Binay ay pang-siyam.

At kung gagamitin ‘yung error of margin ng PulseAsia na plus/minus 2, papasok din sa top 12 si Ilocos Norte Rep. Imee Marcos (babawasan mo ng 2 porsyento si Sen. Bam Aquino may 32.1 porsyento at dadagdagan mo ng 2 si Marcos na may 29.9 porsyento).

Anim na babae sa senatorial survey.

Sumulat po ang ManilaWater Company Inc., bilang tugon sa reklamo ng mga taga-San Mateo kaugnay ng mahinang suplay ng tubig. Lumabas po ito sa isyu ng Bandera noong Hulyo 11.

Nais ipaalam ng ManilaWater na wala itong kinalaman sa paghina ng tubig sa ginagawa sa Gen. Luna st., partikular sa may Brgy. Ampid.

Ayon sa sulat na ipinadala ni Jeric Sevilla, Group Head ng Corporate Strategic Affairs at Head ng Corporate Communications, bagamat nagsimula na ang tag-ulan ay mababa pa rin ang lebel ng tubig sa La Mesa dam.

Noong Hulyo 12 ang lebel sa La Mesa dam ay 72.61 metro, noong Hulyo 16 ito ay nasa 72.94 metro. Ang normal na lebel ng tubig sa dam ay 79 metro.

Dahil wala pa sa normal ang taas ng tubig sa dam ay binabalanse umano nila ang suplay sa distribution network. At kapag marami ang gumagamit ng tubig ay mahina ang tulo sa gripo.

Ilang araw mula noong Hulyo 11 ay muli nang nagagamit ng mga taga-San Mateo partikular sa aming lugar sa Brgy. Malanday ang mga shower. Nasa P72 lebel pa rin ang tubig sa La Mesa dam noon.

Sinabi rin sa sulat na ang paulit-ulit na pagtanggal at pagtakip sa General Luna st., ay hindi isang water project kundi isang sewer pipe laying project.

Napakatagal na ng ginagawang ito na dahilan kung bakit lubak-lubak ang kalsada na dumadagdag sa mabagal na daloy ng trapiko.

Matagal ang gawaan dahil pwede lamang umanong gumagawa ang contractor ng ManilaWater mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa liit ng Gen. Luna st., ay wala na talagang daraanan kapag gumawa sa araw. Kapag hatinggabi nga na kokonti ang kalsada ay nagtatrapik sa ginagawang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending