MULI ngang nagbunyi ang buong Pilipinas sa tagumpay ni Manny Pacquiao laban kay Lucas Matthysse. Pero totoong kapos at kulang ang ipinaramdam na kaligayahan ng mga Pinoy sa huli niyang laban.
Well, marahil ay nagsawa na rin ang karamihan sa atin o di kaya’y ramdam nilang hindi ganu’n kalakas ang impact ni Matthysse bilang kalaban.
Ngunit kahit ano pa ang sabihin ng iba riyan, walang dudang ang biggest winner para sa amin sa pagkapanalo ni Pacman ay ang trainer at coach niyang si Buboy Fernandez.
For the longest time kasi, nakilala lang natin bilang isang dakilang assistant at great friend ni Pacman si Fernandez.
And now that Buboy has proven his worth, napakasarap alalahanin ang kanyang nakaraan kung saan isa lamang siyang tambay at manginginom na barkada ni Bobby Pacquiao sa General Santos City hanggang sa isama na ni Manny sa Maynila.
Mula noon, naging alalay, tagalaba ni Pacman, assistant, janitor hanggang sa maging kaibigan at trainer na nga at naging isa sa most trusted persons ni Pacman.
Naaalala pa namin nang minsan namin siyang makapanayam, minsan na rin siyang nasampal ni Pacman nang nakalimutan niyang ibigay on time ang mainit na gatas habang nagte-training ang Pambansang Kamao.
At sa naging tagumpay nila ni Pacman, maituturing na ring “world-class” ang abilidad ni Buboy Fernandez, na minsan na ring nag-artista pero mas piniling manatili sa tabi ni Pacman for nearly two decades now.
q q q
Uy, pinag-uusapan din ang PBA player na si Arnold Van Opstal, lalo pa’t mismong si Vice Ganda ang pumuri sa naging reply nito sa Twitter laban sa isang mahaderang fan.
Tinanong kasi si Arnold kung bading ba siya na sinagot naman ng “I’m straight” pero sinabi niya na walang masama sa pagiging bakla o member ng LGBTQ.
Meron daw kasi siyang kapatid na beki at lumaki siyang kaibigan ang mga gay kaya’t wala siyang nakikitang mali sa sexual preferences ng mga ito.
Kinondena rin ng PBA player ang mga homophobic na nanghuhusga ng mga bading sa mga choices nila sa buhay.
Bow na bow si Vice sa tapang at lakas ng loob ni Opstal. First time na raw kasi niyang naringgan ang isang professional athlete na nagtatanggol nang harapan sa LGBTQ.
Kami rin, sobrang humanga kay Opstal at dahil diyan, mas lalo pa siyang naging guwapo, magaling na player at lalaking-lalaki sa aming paningin, di ba kapatid na Ervin? (Naman! #lovewins! – Ed)