Kris may napatunayan: Meron talagang mga tunay na kaibigan!

KRIS AQUINO

NAGPAKITA ng labis na pagmamahal ang ilang friends, supporters and believers ni Kris Aquino.

Mas dumami pa kasi ang nagpapa-block screening for “I Love You, Hater.” There are also some friends who gave money for their staff para ipanood ng movie na pinipilahan ngayon sa mga sinehan.

Sunud-sunod ang message na ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang mga photo ng pagsuporta ng kanyang fans and followers sa “ILYH”.

“I cannot name the place nor the family- pero ito yung niregalo sa kin today ng isang totoong kaibigan (pila sa sinehan)…walang exag- naiyak kami ni Ate.

“I sent her the pics. From 2010 to 2016- WALA silang napakinabangan sa min at all – pero hindi sila ever pumalya. Regular ang kamusta, regular ang pagpadala ng pagkain, hindi nagbago ang pagtingin.

“Kung pwede ko lang pagsigawan para maka THANK YOU. Pero alam na ni God kung gaano kahalaga itong ginawa nya para sa ‘kin. Sabi nga ng Ate ko: these are the moments that will always remind you that TRUE FRIENDS REALLY EXIST.

“Sana nga talaga bilog ang mundo- para mabigyan ako ng chance na masuklian ang pagmamahal at no questions asked na suportang pinaramdam nila sa kin. #loved,” mahabang IG post ni Kris.

Read more...