AlDub fever mainit pa ring pumapaso sa Pinoy

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

Sa ikatlong anibersaryo ng pagpapakilig ni Maine Mendoza at Alden Richards sa telebisyon, pinatunayan pa rin ng AlDub fans all over the world na hindi pa rin sila nakakaget-over sa matinding fever na dulot nito mula ng magpa-cute si Alden kay Maine sa “All For Juan, Juan For All” segment ng Eat Bulaga.

Umabot sa halos 2 million ang tweets about AlDub noong Tuesday, July 17, na mas lalo pang tumindi sa oras ng Eat Bulaga kung saan regular na napapanood ang dalawa.

Patunay lang ito na kahit na may separate projects for now ang dalawa ay hindi pa din sila nakakalimutan ng fans.

Busy si Alden ngayon sa shooting ng latest fantaserye nya ang Victor Magtanggol.

Habang si Maine, bukod sa Eat Bulaga, ay may guesting sa mga shows, tulad na lamang ng “Daig Kayo Ng Lola ko” bilang si Laura Patola. Nag-eenjoy din ang mga fans sa mga nakakatawa nyang tweets online.

Read more...