Hinatulan ng Makati Metropolital Trial Court Branch 61 si Geisler ng mula anim na buwan hanggang dalawang taon na pagkakakulong, sa ginawang pagbasa ng desisyon kahapon.
Bukod dito, inatasan din ni Presiding Judge Barbara Aleli Briones ang aktor na bayaran ang complainant na si Patrizha Maree Martinez ng P30,000 in moral damages.
“Thank God,” ang narinig mula sa 27-anyos na biktima matapos basahin ang 12-pahinang desisyon ng korte.
“Justice has been rendered in this case.
My client was very pleased with the decision of the court,” pahayag naman ni Salvador Panelo, abogado ni Martinez, nang makapanayam ng mga reporter.
Nilinaw naman ng abogado ni Geisler na si Carlo na hindi pa pinal ang desisyon ng korte, at balak nila itong i-apela sa Regional Trial Court.
Nag-ugat ang kaso noong Abril 26, 2008 nang diumanoy hipuin ni Geisler ang dibdib ng biktima na noon ay 21-anyos pa lamang, habang nasa isang party sa Fiamma Bar sa Makati City