Kissing scene nina Daniel at Kathryn sa pelikula ikaka-shock ng fans

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

NGAYON pa lang ay pinag-uusapan na ang kissing scene nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo sa kanilang latest movie na “The Hows Of Us.”

Marami na ang nag-react sa pagkakaroon nila ng halikan na first time nilang gagawin. Talaga raw ikaka-shock ng kanilang fans ang gagawin nilang kissing scene.

“Pwede na silang makipagsabayan sa kissing scene kina James Reid at Nadine Lustre.

“Dati kasi hindi pa pwede si Kath eh. Well sana maimprove ng KathNiel yung scene na mapakilig ang fans na hindi halatang acting lang. Minsan kasi ang napapansin ko parang hindi nagiging tunay ang scene nila,” said one basher.

Siyempre, sinagot siya ng KathNiel fan who said, “Teh iba po KathNiel iba rin ang JaDine kaya pls respect naman kathniel kilala na yan noon pa sikat pa JaDine nabatikos na yan laswa mga ginagawa. sorry ha.”

“Hindi naman kailangan kumpara. KathNiel sikat na yan noon pa. Aabangan ko movie ninyo excited na kaming fans,” say ng isa pang KathNiel fan.

Read more...