Liza ibinandera ang pagmamahal kay Enrique sa ‘yakap photo’

WHEN Liza Soberano posted a photo habang yakap niya si Enrique Gil with this caption: “I love every moment with you @enriquegil17, whether on or off camera. I’m happy I finally get to share this with you guys” ay sandamakmak na fans ang kinilig.

“AYIEEEE MAMSH KINIKILIG AKO AHH.”

“Open na open na talaga si Liza. Na tell nya sa lahat na love nya Quen like it.”

“I cant help but to cry becauseeee they’re already one.”
Sobrang daming na-happy sa young couple.

Kung kinilig sila sa IG photo ay mas lalong kinilig ang fans ng Bagani dahil sa mga eksena nila. Sa latest episode ay ang sweet kasi ng dayalog ng dalawa.

“Aaminin ko, nagulo ang mundo ko nang namatay ang babaeng pinakamamahal ko sa harap ko. Tao rin ako. Siguro naman ayos lang na pinagdaanan ko rin ‘yon.

“Pero noong malaman ko na buhay ka, walang pagdadalawang-isip. Kahit sinasabing hindi na ako makakabalik nang buhay, ililigtas kita dahil mahal kita,” say ni Lakas (Enrique) kay Ganda (Liza).

Read more...