Hugot ng tatay ni Paul: Don’t play the victim…God knows!

SA gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang anak na si Paul Salas, nag-post ng cryptic message ang dating dancer na si Jim Salas sa kanyang Instagram account.

Isa itong quote card na pinaniniwalaang patama sa ex-girlfriend ni Paul na si Barbie Imperial. Ayon sa dating member ng Universal Motion Dancers, “Don’t play the victim to circumstances you created.” Dagdag pa nito, “GOD KNOWS.”

Kamakailan ay nag-post si Barbie sa kanyang social media account ng mga litrato niya na may pasa ang katawan, at ang hula ng kanyang followers ay si Paul ang may kagagawan nito na itinatanggi naman ng kampo ng binata.

Read more...