Pulse-Asia 88% vs. SWS 65% kay Duterte | Bandera

Pulse-Asia 88% vs. SWS 65% kay Duterte

Jake Maderazo - July 16, 2018 - 12:15 AM

NAGING mainit na u-sapan ang malaking pagkakaiba ng dalawang survey groups tungkol sa performance, approval at trust ratings ng mga lider ng bansa nitong buwan ng Hunyo.
Ang survey ng SWS ay ginawa noong June 27-30 samantalang mas maaga ang Pulse-Asia, noong June 15-21.
Sa SWS survey na lumabas noong Lunes, bumaba ang satisfaction rating ng Pangulo mula sa dating 70 percent noong Marso at naging 65 percent nitong June 18.
Pero sa Pulse-Asia survey na lumabas noong Biyernes, tumaas pa ang performance approval rating ng Pangulo mula 80 percent noong March sa 88 percent nitong June. Sa trust ratings, si Pres. Duterte ay naging 87 percent, tumaas ng 9 points mula 78 percent noong Marso.
Tandaan natin na magkaiba ang sistema ng dalawa. Ang SWS ay gumagamit ng “net sa-tisfaction ratings” (“percent satisfied minus percent dissatisfied) na may mga klasipikas-yong “excellent”, “very good”, “ good”, “mode-rate” at “bad”. Ginagawa ito ng SWS kahit noong panahon pa ni Pangulong Arroyo. At nitong Martes, ang “net satisfaction rating” ni Duterte ay “good” pa rin bagamat bumaba ng 11 points mula 56 percent noong Marso sa 45 percent nitong June.
Pero, ang Pulse-asia ay diretso lamang sa dalawang isyu, “Performance approval” at “trust ratings”.
Si Sen. Antonio Trillanes kinwestyon agad ang mataas na rating ng Pulse-Asia at puro taga-Davao lang daw ang mga survey respondents. Sumagot naman si Ana Marie Tabunda, Research director ng Pulse-Asia at nagsabing 70 lang sa kabuuang 430 sa 19 na lungsod at bayan sa Mindanao ang kanilang respondents.
Si Senate Pres. Tito Sotto ay kinuwestyon naman ang SWS sa umano’y “right minus wrong” na “net satisfaction ratings method”.
Ayon kay Sotto, hindi ginagamit sa eleksyon ang bilang ng mga bumoboto at umaayaw sa iyo.
Talagang malaki ang pagkakaiba ng SWS survey noong Lunes at sa Pulse asia results noong Biyernes. Sabi ni Senador Lacson, magkaiba dahil nang i-sagawa ang Pulse-asia survey, hindi pa nangyayari ang “stupid God” remark ni Duterte noong June 22. Ayon din kay Ms Tabunda, malaking diperensya talaga ang magkaibang petsa ng dalawang survey.
Pero sa ganang akin, hindi ko rin maintindihan ang ginawa ng SWS sa kanilang June 27-30 survey. Noong 2017 kasi, ang petsa ng kanilang second quarter survey ay June 23-26. Bakit kaya na-delay ito ng a-pat na araw? Sinadya ba ito? Pinahinog muna nang husto ang “stupid God” remark ni Duterte para mas mababa ang rating na mangyayari?
Kapansin-pansin din na mas maagang lu-mabas ito noong Lunes at naging headlines ng lahat ng media ang 11 percent drop sa lahat ng sector na tinanong ng survey.
Nagpista ang mga kritiko ni Duterte at sinabing ito na ang si-mula ng pagbagsak ng kanyang administras-yon.
Ito namang Malakanyang, kuntodo ang depensa na 65 percent pa rin ang satisfaction ratings ng Pangulo o bumaba lamang ng 5 percent mula sa 70 percent rating noong Marso.
Pero, nabuhusan naman ng yelo ang oposisyon dahil lumabas noong Biyernes ang tumaas pang 88 percent approval at 87 percent trust rating ng Pangulo mula sa Pulse Asia.
Parang iniskupan ng mababang rating ng SWS ang mataas na survey ng Pulse Asia? Di kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending