Speaking of Zanjoe Marudo, tumangging magkuwento ang aktor sa presscon ng “Kusina Kings” tungkol sa relasyon nila ng model-surfer na si Josie Prendergast.
“Actually wala pa akong mase-share pa. Dahil unang-una, bago pa lang kaming magkakilala, and nakakahiya din nada-drag yung name niya. Private na tao siya, so gusto kong respetuhin yun,” pahayag ng binata.
Marami ang naniniwala na magdyowa na ang dalawa base na rin sa mga sweet photos nila together sa Instagram. Ayaw lang siguro ni Zanjoe na makaladkad ang pangalan ng kanyang bagong GF sa mga showbiz issue.
Samantala, balik-comedy at pahinga muna sa drama si Zanjoe sa pelikulang “Kusina Kings”. Ipinagmalaki ng aktor ang bagong proyekto sa presscon ng movie kamakailan at sinabing hindi raw magsisisi ang mga manonood sa “KK”.
Bilib din daw siya sa galing ni Direk Victor pagdating sa paggawa ng comedy film. Binigyan din daw sila nito ng freedom kung paano gagawing mas nakakatawa ang kanilang mga eksena.
“Masaya kami, si direk kasi pinapabayaan niya kami kung anong gusto naming gawin. Nagko-collaborate kaming lahat ng cast.
“Kaya malapit sa puso talaga namin itong project. Kasi pakiramdam namin, hindi kami pumasok para umarte base sa script (kundi) parte na rin kami ng buong pelikula,” aniya. Medyo naughty raw ang movie pero pwede pa ring panoorin ng mga bagets.
Iikot ang kuwento ng movie sa mag-BFF na Ronnie (Zanjoe) at Benjie (Empoy) na dadaan sa matitinding hamon ng buhay para subukin ang kanilang pagkakaibigan. Masisira ang kanilang relasyon dahil sa “Kusina King Challenge” scam. Alamin kung paano nila hahanapin ang swak at tamang “recipe” para maibalik ang kanilang nasirang friendship.
Bahagi pa rin ng 25th anniversary ng Star Cinema ang “Kusina Kings” at mapapanood na sa July 25 nationwide. Kasama rin dito sina Ryan Bang, Tiny Corpuz, Jun Sabayton, Joma Labayen, Hyubs Azarcon, Nonong Ballinan at Maxine Medina.