AIKO Melendez has every reason to fear for her current boyfriend’s life amidst the spate of killings of late.
Sa loob lang nang isang linggo nitong mga nakaraang araw ay ilan nang mayor—including a vice mayor—na ang itinumba.
Whether politically motivated or otherwise ang itinuturong dahilan ng pamamaslang, it appears that these local officials are easy targets na bigla na lang bubulagta in broad daylight felled by fatal bullets.
Mula nang isapubliko ni Aiko kung sino ang kanyang bagong karelasyon last April this year, everything seems to be turning up roses for her and Mayor Jay Khonghun of Subic, Zambales.
Bagama’t tatlong buwan pa lang naman silang magnobyo—unlike Aiko’s previous relationships—theirs is a quiet one, nabahiran nga lang ng takot at pangamba given the escalating incidence ng pagpatay sa mga mayor.
May ipinost kasi ang kaibigan ni Aiko na si Ogie Diaz sa Facebook on how this series of murders could be frightening. Nag-comment naman si Aiko, sharing her gnawing fear dahil nga mayor ang kanyang nobyo.
Not one who can best give the couple a piece of advice, ibayong ingat na lang siguro ang gusto naming sabihin kay Mayor Jay. With being cautious comes an exercise of vigilance.
Maging mas mapagmasid siya (lalo kung kasama si Aiko o ang kanyang anak from his previous marriage) sa kanyang paligid.
Having begun his political career back in 2004 bilang provincial board member, alam naming fully aware si Mayor Jay kung anong uri ng mundo ang kanyang pinasok.
Ito ‘yung mundo where one finds it the hardest to tell an ally from a kaaway.
q q q
Personal: Nais naming batiin ng maligayang kaarawan ang aming kapatid na si Menchu Rogacion today (July 16). Hugs and kisses from Kuya.