Palasyo nakiisa sa tagumpay ni Pacman sa kanyang laban vs Matthysse

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakikiisa ang Palasyo sa pagbubunyi ng bansa sa tagumpay ni Sen. Manny “Pacman” Pacquiao matapos namang matalo si Lucas Matthysse at makuha ang WBA welterweight belt. 

Kasama naman ni Pangulong Duterte ang kanyang anak na si Sebastian “Baste” Duterte matapos panoorin ng live  ang laban ni Pacquiao sa Malaysia. 

“We thank our Pambansang Kamao for not only bringing honor and glory to our flag and country but once again uniting Filipinos here and abroad with his display of courage, tenacity and will power,” sabi ni Roque.

Bukod kay Baste, kasama ring nanood si Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go.

Pagkatapos ng laban isa namang pananghalian ang inihanda para sa Pangulo. 

Read more...