Pati pamilya, personal na buhay ni Janine di pinatawad ng bashers

INAASAHAN na ang pangangalampag kina Janine Gutierrez at Andrea Torres ng mga bashers dahil pormal nang nagpahayag ang GMA 7 na ang dalawang aktres ang makakasama ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.

Ngayon pa lang ay inaaryahan na si Janine ng mga taong walang magawa. Starlet ang tawag sa kanya ng mga ito, mahilig daw manira ng relasyon, palibhasa’y galing ang magandang dalaga sa isang broken family.

Kung makapagsalita naman ang mga taong ‘yun na sobra-sobra ang libreng oras sa buhay nila, para namang napakalaking krimen na ang pagiging produkto ng mga nagkahiwalay na magulang, alam naman kaya ng mga ito ang sitwasyon ng pamilya ni Janine?

Hindi nila alam ang mga pangyayari, na kahit nagkahiwalay sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon ay magkatuwang pa rin nilang sinusubaybayan ang kanilang mga anak.

Ipinareha lang naman kay Alden, maninira na agad ng relasyon si Janine, ano naman kaya ang magiging upak ng mga bashers na ‘yun kay Andrea Torres na kasama rin sa serye ng Pambansang Bae?

Naku, magaling sumagot sa mga bashers si Andrea, galing na sa mas matinding bagyo ng mga intriga nu’n ang sesking aktres kaya ambon na lang ang mga darating pa sa kanya.

Read more...