Julia: I’m not a perfect daughter at wala ring perpektong tatay!

INAMIN ni Julia Barretto na may konting tampuhan sila ng tatay niyang si Dennis Padilla pero itinanggi nitong si Joshua Garcia ang dahilan.

“At the end of the day, we are normal father and daughter. We are normal family and I’m not a perfect daughter and there’s no perfect father. There’s no perfect anybody and there will be things na magkakaroon talaga ng misunderstanding.

“Something na hindi pareho ang opinion ng about something or maybe as a daughter kasi may feeling din naman ako bilang anak na may mga bagay na ginagawa rin ang isang magulang na nakakasakit sa isang anak, pero it’s very normal,” paliwanag ng dalaga.

“Unfair nga kasi pagdating sa akin dapat perfect pero pag iba ang nagkakaproblema sa pamilya o sa mga kaibigan parang deadma kayong lahat, pero pagdating sa akin parang magnified.

“It’s not Joshua and I’m not gonna allow a guy to stand in between my family and I. It’s not about Joshua Garcia. I love my dad, I love my father and like I said kanina kung hindi ka na naaapektuhan sa kahit anong ginagawa ng isang tao, wala ka nang paki. E, mahal ko ‘yung tatay ko, so I care when he does something that hurts me, I care when he is doing something that it’s not okay,” paliwanag ng aktres.

Bago natanong tungkol sa kanyang ama, ay ang saya-saya pa ng aktres dahil pawang positibo ang feedback sa pelikulang “I Love You, Hater” kasama si Kris Aquino na pinipilahannpa rin ngayon sa mga sinehan.

Going back to Julia, puring-puri siya nina direk Giselle Andres at leading man niyang si Joshua sa ginanap na blogcon dahil talaga namang napakagaling ng aktres sa movie, talagang may pinanggagalingan ang kanyang mga hugot.

Read more...