Janine, Andrea magpapatalbugan bilang leading lady ni Alden

INVOLVED na involved si Alden Richards sa coming up concert niyang “Adrenalin Rush” sa Kia Theater sa Sept. 21.

Present siya sa meetings ng staff upang maging hands on sa mga pasiklab na magaganap sa kanyang next major concert.

Hangad din kasi ng Pambansang Bae na mahigitan ang ginawa niya noon sa una niyang concert na “Upsurge,” huh!

Siyempre, bukod sa concert, hands on din si Alden sa bago niyang fantasy-action-adventure series na Victor Magtanggol na mapapanood na sa buwang ito.

Inihayag na rin ng GMA ang dalawa sa mga makakasama niyang Kapuso actress sa VM, ‘yan ay walang iba kundi sina Janine Gutierrez at Andrea Torres.

Siguradong hindi lang sa akting at pag-aaksyon magpapatalbugan sina Andrea at Janine kundi pati na sa paseksihan.

Kilala naman natin ang dalawang ito na palaban sa pagsusuot ng swimsuit, di ba? Kaya ‘yan ang ating abangan.

Read more...