Jak Roberto gagawin lahat para mapaligaya si Barbie

KAPILING na araw-araw ni Jak Roberto ang girlfriend niyang si Barbie Forteza.

Aba, isa sa mga alagang aso ng Kapuso hunk ay pinangalanan niyang Happylou, huh!

Eh, kung pinapanood ninyo ang GMA series ni Barbie na Inday Will Always Love You, Happylou ang name ng kanyang character doon. So kapag humahalik ang aso na ‘yon ni Jak, parang si Barbie na rin ang humahalik sa kanya, di ba?

Sa totoo lang, maligaya si Barbie sa piling ni Jak na naididispley na niya sa mga event tulad ng nakaraang GMA Anniversary Thanksgiving party.

Pati nga sa vlog ng Kapuso actress, pumapayag si Jak na paglaruan ng kanyang GF. Imagine, napapayag ng dalaga ang hunk na BF na kunan ito hawak ang mga gamit niya sa pagme-make up.

“Thank you @jakroberto for being such a good sport,” caption ni Barbie sa litrato ni Jak habang hawak ang iba’t ibang klase ng make-up brush. Tugon naman ng aktor, “Ang hirap pag bungisngis ang inaayusan eh. Mauubos ang baterya ng cam kakatawa.”

Read more...