Maine, Ruby dinalaw, pinasigla si Baeby Baste

BINISITA nina Ruby Rodriguez at Maine Mendoza si Baeby Baste at kapatid nitong si Sam Sam na naka-confine sa ospital kamakailan.

Dengue ang dumale kay Baste kaya hindi lang ang Eat Bulaga ang apektado sa pagkakasakit niya kundi maging ang taping ng Daig Kayo Ng Lola Ko kung saan sila ni Meng ang sparring partner.

Sa kanyang Instagram, nagpasalamat si Baste kina Ruby, Meng at Rams David (manager ng Dubsmash Queen) na kasama ring dumalaw sa kanilang magkapatid.

Siyempre, pinasigla ng kanyang mga bisita si Baste kaya naman sinabi nito na very soon ay babalik na uli siya sa Eat Bulaga.

Read more...