Maymay, Edward bibida sa Wansapanataym

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

GOOD news para sa mga MayWard fans! Muling mapapanood sa telebisyon ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Yes! Bibida ang dalawang bagets sa bagong season ng Wansapanataym. Ito’y kinumpirma ni Eric John Salut ng Dreamscape Entertainment sa kanyang Twitter post.

“Ikaw Ang Ghost-O Ko” ang magiging title ng Wansapanataym episode nina Maymay at Edward sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Read more...