John Lloyd pinanindigan ang simpleng buhay sa Cebu


TALAGANG living the simple life na si John Lloyd Cruz ng mamataan ito ng ilang fans sa Cebu.

Sa isang Instagram post ng isang fan, nakita si JLC na naka-shorts at t-shirt hawak ang kanyang bike.

Ayon sa post nakita daw si John Lloyd ng isang fan matapos magpagupit nito sa isang barberya sa halagang P40.

Pinagbigyan naman ni John Lloyd ang fan para magpapicture.

Balitang kasama ni John Lloyd si Ellen Adarna at ang anak nito sa Cebu. Huli siyang nakita sa hearing kung saan sinampahan ng kaso si Ellen ng nanay ng teenager na sinasabing ‘binully’ nya online.

Dinidinig pa din ang kaso at naurong ito dahil sa health reasons.

Read more...