Kris ginawang ‘karinderya’ ang socmed: 24 oras na bukas sa lahat ng gustong kumain

KRIS AQUINO

HARINAWANG mapa-ngatawanan—nang ‘di mapagtawanan—ang peace offering ni Kris Aquino kay James Yap bilang pag-alala sa kanilang wedding anniversary 13 years ago.

Out of the blue nga’y bigla na lang nag-emote sa kanyang social media account si Kris, when we know for a fact that a couple of weeks ago—in her radio guesting—ay isa ang nakaraan nila ni James sa mga paksang tinalakay niya.

Much earlier, Kris took offense at James’ sending a birthday message to their son Bimby.

In other words, on two accounts ay alam ng publiko na walang ganap na kaayusan sa pagitan nila ng dating asawa, pero heto’t may flashback si Kris sa petsa ng kanilang anibersaryo?
Ang post niyang ‘yon ay punctuated ng salitang PEACE (in capital letters).

Bagama’t marami ang natutuwa sa gesture na ‘yon ni Kris ay marami rin ang duda sa kanyang sinseridad. Baka raw kasi mamaya ay mag-iba na naman ang ihip ng hangin (read: takbo ng utak niya).

Bagama’t maganda ang intensiyon ni Kris na magkaayos na sila finally ni James, one couldn’t help but ask: Sino ba kasi ang nauunang mamburaot ng sitwasyon?

Alam nating nananahimik si James na bigla na lang mabubulabog sa mga isyung muling binubuhay ni Kris. For all she knows, kasama sa pananahimik ng basketbolista ang tuluyan nang pagbura sa kanilang anibersaryo which only Kris remembers, whether with fondness or disgust.

Kung ito ang sukatan ng pagmu-move on ng isang tao mula sa kanyang nakaraan, malinaw na wala pa sa stage na ‘yon si Kris.

Ang dali-dali naman kasing magkaroon ng “amnesia mode” sa mga bagay—tulad ng kanilang anniversary—kung saan sangkot ang taong nagdulot sa kanya ng pasakit sa buhay.

At sa tulad ni Kris na halos hindi na yata magkandaugaga sa rami ng trabaho, talagang nagkaroon pa ng espasyo sa utak niya ang anibersaryo nila ni James?

And the height to talk about PEACE mula sa isang tao who has—for a couple of times—waged battles against James (na for sure ay na-PISS off dahil kabisado niya ang karakas ni Kris).

Sana lang ay mapanindigan ni Kris ang kanyang post na kung tutuusi’y puwede naman niyang idinirekta na lang sa taong concerned and not via social media.

Tapos mamasamain ni Kris ang mga makisawsaw, eh, ginawa niyang carinderia ang social media na bukas sa lahat ng gustong kumain.

And make it 24/7.

Read more...