May-ari ng isang resto patay sa pamamaril sa Nueva Vizcaya

PATAY ang may-ari ng isang restaurant matapos pagbabarilin sa Barangay District 4, Bayombong, Nueva Vizcaya, kagabi, ayon sa pulisya.

Abala si Irene Tanggat, 44, residente ng Baguio City, sa pag-aasikaso ng kanyang restaurant nang lapitan siya ng isang lalaki at pagbabarilin ng tatlong beses, ayon kay Chief Insp. Joberman Videz, Bayombong police chief.

Tumakas ang salarin sakay ng isang motorsiklo na minamaneho ng isang kasabwat.

Sinabi ni Videz na inaalam na ng pulisya ang mga transaksyon ng biktima sa kanyang negosyo sa Baguio at Pangasinan para matukoy ang motibo ng pagpaslang.

Sinusuri na rin ang CCTV para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

 

Read more...