Kinumpirma ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go ang pagkakatalaga kay Kho, na nauna nang nagbitiw bilang undersecretary ng Department of Justice (DOJ) matapos maupo si Justice Secretary Menardo Guevarra.
Pinirmahan ni Duterte ang appointment paper ni Kho noong Hulyo 11, 2018 at tatagal naman ang kanyang termino hangang Pebrero 2022.
Kabilang si Kho sa tatlong undersecretary ng DOJ na naunang nasumite ng courtesy resignation, matapos naming magbitiw sa kanyang puwesto si dating DOJ secretary Vitaliano Aguirre II.