HELLO, Ateng Beth.
Please help. In love yata na ako sa best friend ko. Ang kaso po pareho kaming babae. Elementary pa lang ay magkaibigan na kami hanggang sa makapagtapos kami sa college.
Working na kami pareho pero sa magkaibang kompanya. Madalas pa rin kaming lumalabas at lagi kaming magkasama sa anomang mga gimik.
Wala rin siyang boyfriend, ako dati nagkaroon ng boyfriend pero hindi rin nagtagal. Hindi ko alam kung sino sa amin ang tomboy. Pero pareho rin kaming maarte at gaya ng ibang mga babae ay mahilig sa mga damit, sapatos at bag.
Pero kailangan pa bang malaman kung sino ang tomboy para mag-work ang relasyon namin? Wala naman kaso sa akin kung maging kami kahit pareho kaming babae. Help me please.
Jan, of Malabon City
Ang tanong Jan, is may relasyon ba kayo? O nag-a-assume ka lang na meron nga?
Sa simula kasi sabi mo in love ka kay bestfriend. Madalas kayong lumabas. Pareho kayong walang relasyon.
So ano yun? Ibig sabihin ba kayo ang magka-relasyon dahil kayo palagi ang magkasama?
Sa wari ko, pinagdududahan mo rin ang sarili mo. Hindi ka rin sure kung tomboy ka talaga o naghahanap ka lang ng makakarelasyon. Wala namang kaso kung tomboy ka.
Pero, marami kasing klaseng love. Baka naman nga platonic love lang ang nararamdaman mo kay betfriend. Baka nga confused ka rin kasi masyado kang defensive sa kaartehan mo bilang babae at sa kung sino ang tomboy sa inyong dalawa.
I suggest, kilalanin mo muna ang sarili mo. Sino ka ba talaga at ano ba talaga ang gusto mo?
In love ka ba talaga o in love ka sa kaisipang in love dapat ang isang tao?
Magulo at masalimuot ang isang relasyon, at kasama na riyan ang same sex relationship.
So I suggest bago mo pasukin o ipagtapat kay friendship ang damdamin mo, o bago mo label-an ang friendship ninyo, kilalanin mo muna ang sarili mo.
I pray that you will get to know yourself better.
I pray that you fill find happiness and contentment kung sino man ang makikilala mong ikaw bago ka mag assume ng isang relasyon ano man ang gender ng kapartner na pipiliin mo.