Ayon kay ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz III iniba ni PCOO Assistant Secretary Kristian Ablan ang kanyang mga sinabi sa unang Pre-SONA (State of the Nation Address) meeting.
“Mr. Ablan should apologize for his mistakes, or better yet, resign from his post. Asec. Ablan – please correct what clearly was a malicious and idiotic error on your part. Do not be a source of miscommunication and fake news or statement when you are part of the presidential communications office,” ani Bertiz.
Sa unang pre-SONA forum, sinabi ni Bertiz na hinimok niya ang Department of Labor and Employment na gumawa ng bagong estratehiya at programa para matulungan mga overseas Filipino workers lalo na ang may 250,000 domestic workers.
Sa ikalawang pre-SONA forum ay pinalabas umano na ang sinasabi ni Bertiz na walang ginagawa ang gobyerno para sa mga OFW.